Duterte pinatigil si Andaya sa paninira kay Diokno
MANILA, Philippines — Si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mismong sumaway kay dating House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na tigilan na nito ang paninira kay Budget Secretary Benjamin Diokno.
Ito ang iniulat ng Palasyo na bagamat nirerespeto ng Pangulo ang pagiging independent ng House of Representatives ay sinabihan pa rin si Andaya na tigilan ang paninira sa pamamagitan ng media propaganda na may layuning wasakin at sirain ang imahe at reputasyon ni Diokno.
Magugunita na kamakalawa ay pinatalsik si Andaya sa kanyang puwesto bilang majority floor leader na pinalitan naman ni Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro.
Agad din binigyan si Andaya ng bagong puwesto bilang pinuno ng Appropriations Committee kaya’t tuluyang nawala na rin sa kanyang mga kamay ang Committee on Rules.
Noong pinamumunuan pa ni Andaya ang House Committee on Rules ay ilang beses nagsagawa ng pagdinig ukol sa isyu ng umanoy corruption budget and flood control projects na layunin umano ay para ipahiya at wasakin si Diokno.
Subalit,ang paniniwala ng ilan na walang jurisdiction ito sa isyu na isa rin sa mga sinasabing dahilan ng kanyang pagkakatalsik sa puwesto ni Andaya.
- Latest