^

Police Metro

Mayor Baldo na utak sa Batocabe slay, inaresto ng CIDG

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa
Mayor Baldo na utak sa Batocabe slay, inaresto ng CIDG
Nagsasagawa ang mga pulis ng imbentaryo ng mga baril at bala na narekober sa bahay ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo sa Brgy. Tagas nang salakayin ito ka-hapon ng CIDG. Pawang mga walang lisensiya ang nasabing mga armas at bala.

Possession of illegal firearms...

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo nang salakayin ang bahay nito kahapon sa Barangay Tagas dahil sa umano’y pagtatago ng hindi lisensiyadong mga armas.

Si Baldo ang itinuturo ng ilang saksi na utak sa pagpatay kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe noong Dis­yembre.

Batay sa ulat, kahapon ng umaga nang salakayin ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Elmer Lanuzo ng Legazpi Regional Trial Court ang bahay nito at dito ay narekober ang iba’t ibang klase ng baril, mga bala, mga granada.

Agad na inaresto si Baldo matapos na madiskubre ng mga otoridad na mga walang permit ang nasabing mga armas tulad ng dalawang kalibre 45 baril na puno ng bala, isang magazine para sa Uzi machine pistol, bala para sa grenade launcher; walong bala para sa cal-45; at bala para sa M16 rifle.

Narekober din ang isang puting Isuzu Alterra (BCW 941) ni Baldo na umano ay ginamit bilang get away vehicle sa krimen.

Magugunita na noong Dis­yembre 22 ay binaril at napatay si Batocabe kasama ang kanyang police escort na si SPO2 Orlando Diaz, habang nagsasagawa ng gift-giving event sa covered court ng Barangay Burgos, Daraga, Albay.

Sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder si Baldo kaugnay sa pagpatay kay Batocabe at sa aide nito at pagkasugat ng pitong iba pa.

CARLWYN BALDO

ILLEGAL FIREARMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with