SWS at Pulse Asia survey pinatitigil

Ayon kay Atty. Lorenzo “Larry” Gadon na nakakalinlang ang ginagawang senatorial survey ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia kaya’t nagsampa kahapon ito ng dalawang pahinang petisyon sa Comelec na ang tungkulin ay atasan ang nasabing mga survey firm na tumigil sa pagpapalabas ng resulta ng kanilang pre-election polls.
The STAR/Sheila Crisostomo

MANILA, Philippines — Isang senatorial candidate na kulelat sa mga survey ang nagsampa ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) para ipatigil ang dalawang malaking survey firms sa pagpapalabas ng pre-election results na umano ay peke at bahagi ng “mind-conditioning scheme” ng mga botante.

Ayon kay Atty. Lorenzo “Larry” Gadon na nakakalinlang ang ginagawang senatorial survey ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia kaya’t nagsampa kahapon ito ng dalawang pahinang petisyon sa Comelec na ang tungkulin ay atasan ang nasabing mga survey firm na tumigil sa pagpapalabas ng resulta ng kanilang pre-election polls.

Ang layunin ng nasabing probisyon ay tiyakin na may pantay na oportunidad, oras, espasyo at karapatan na sumagot at magsalita ang mga kandidato para sa kanilang kampanya at mga forum para sa adhikain nila tungo sa malinis, tapat at kapani-paniwalang halalan.

Show comments