Duterte sa taumbayan: Iboto ang may kredibilidad!

MANILA, Philippines — “Iyong mga nangu­nguna sa survey… Susmaryosep… Eh may mga tao dito na dedicated, may alam. Ito yung mga trabaho --- trabahante ng gobyerno na utusan mo, bigyan mo ng pera, makikita mo ‘yung results”.

 

Ito ang naging paha­yag ni Pangulong Rodrigo Duterte at pagkadismaya sa naging resulta ng senatorial survey kung saan hindi nakapasok sa magic 12 ang kanyang mga pambato.

Kaya’t umapela ito sa taumbayan na iboto ang may kredibilidad at maaasahan sa darating na May 2019 elections.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa pagdalo sa kaarawan ni dating Political Adviser at senatorial candidate na si Francis Tolentino kamakalawa sa Tagaytay City.

Kinuwestyon ng Pa­ngulo ang mga nanguna sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan hindi nakapasok sa ma­gic 12 ang kanyang mga pambato na sina Atty.Tolentino, former Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go at former PNP chief Ronald Dela Rosa sa kabila na palagi niyang kinakampanya ang mga ito kahit saan man magtungo ang Pangulo.

Nagkalat din ang mga tarpaulin ng mga ito bukod sa Billboard sa NLEX at mga bus.

Ang nanguna sa senatorial survey ng SWS nitong Disyembre 16-19 ay pawang kaalyado ng administrasyon na sina re-electionist Cynthia Villar at Grace Poe na sinundan nina Taguig Pia Cayetano, Sen. Sonny Angara, Sen. Nancy Binay, former Sen. Lito Lapid at Bong Revilla. Tanging si former DILG Sec. Mar Roxas na mula sa oposisyon ang nakapasok sa magic 12.

Nanawagan din si Pangulong Duterte sa mga pulitiko na hayaang malayang pumili ang taumbayan ng kanilang iboboto at huwag ma­nakot sa darating na eleksyon.

“So ganun lang. If you want --- kung candidate ka, tagilid ka, huwag mong i-terorismo,” apela pa ni Pangulong Duterte.

Show comments