Usman death toll umabot na sa 75

Ito ang natanggap na ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, mula sa Office of Civil Defense (OCD) Regional Offices kung saan patuloy ang beripikasyon ng ahensya sa nasabing bilang ng mga nasawi.
AFP/Simvale Sayat

MANILA, Philippines — Tumaas na sa 75 katao ang naitatalang nasawi sa landslide at flashflood dulot nang pananalasa ng bagyong Usman at Low Pressure Area sa Region IV B (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Bicol at Eastern Visayas.

Ito ang natanggap na ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, mula sa Office of Civil Defense (OCD) Regional Offices kung saan patuloy ang beripikasyon ng ahensya sa nasabing bilang ng mga nasawi.

Ang bagyong Usman na nanalasa sa mga apektadong lugar bago mag-Bagong Taon ay nakaapekto sa 45,348 pamilya o aabot sa kabuuang 191,597 indibidwal na naninirahan sa 457 Barangays sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas.

Nasa 6,637 pamilya o katumbas na 24, 894 katao ang kinakanlong sa 170 mga evacuation centers habang nasa 12,132 namang pamilya o kabuuang 54,665 katao ang nasa labas ng mga evacuation centers matapos na manuluyan sa kanilang mga kamag-anak sa mga ligtas na lugar.

Show comments