Mapayapa ang pagdiriwang ng pasko-PNP

Bagaman nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa Caloocan City at indiscriminate firing sa Pangasinan ay isolated case lamang ito at naging maayos naman ang selebrasyon ng Pasko.
AP Photo/Aaron Favila

MANILA, Philippines — Idineklara kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde “generally peaceful ang pagsalubong sa Kapaskuhan sa buong bansa.

Bagaman nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa Caloocan City at indiscriminate firing sa Pangasinan ay isolated case lamang ito at naging maayos naman ang selebrasyon ng Pasko.

Magugunita na unang isinailalim sa full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong puwersa nito sa Metro Manila at  sumunod naman ang iba pang Police Regional Offices upang tiyakin na magiging matiwasay ang pagdiriwang ng pasko.

Malaki ang naitulong ng pagpapakalat ng mga patrol cars ng PNP sa Metro Manila bukod pa sa deployment ng  mga pulis bilang bahagi ng pagpapaigting ng police visibility sa mga lugar na dinarayo ng mga tao sa tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Kabilang dito ay ang bisinidad ng mga Simbahang Katoliko, pook pasyalan, malls at iba pa gayundin ang mga pampublikong terminal.

Show comments