Ateneo bully student ban na sa Taekwondo
MANILA, Philippines (Updated Dec. 25, 2018, 2:58 p.m.) — Ban na rin sa lahat ng Taekwondo related events ang Ateneo student na nag-viral dahil sa pambu-bully sa mga kapwa estudyante ng Ateneo de Manila University Junior High School
Ito ang inihayag ni Philippine Taekwondo Association (PTA) President Robert Aventajado, at effective immediately ang kanilang kautusan na ‘indefinite ban’ sa estudyante na nag-viral sa social media na binubugbog at sinisipa ang kanyang kapwa estudyante sa loob ng CR sa Ateneo.
Sinabi ni Aventajado, hindi na maaring sumali sa tournament, belt promotion at hindi na makakagamit ng pasilidad ng PTA ang nasabing estudyante.
Inirerekomenda rin ni Aventajado na maisailalim sa counseling ang batang sangkot kung nais pa nito o kanyang pamilya na mai-reinstate sa PTA.
Ani Aventajado, layunin nito na magawa ng naturang estudyante na akuin ang responsibilidad sa kanyang ginawa, makapagsisi at sa hinaharap ay magawa pang makapag-ambag ng positibo sa bansa.
Kung tatanggihan naman ito ng kanyang pamilya, wala nang magagawa pa ang PTA kundi ang patalsikin sa asosasyon ang bata.
Editor's Note: The original version of this story contains the name of the alleged bully. Philstar.com removed it to protect the right to privacy of minors involved.
- Latest