Bihag na 2 sundalo, 12 Cafgu ng npa palalayain

Para mabigyang-daan umano ang negosasyon para sa pagpapalaya sa mga binihag na sundalo at CAFGU sa pamamagitan ng 3rd party negotiators.

Pangako ni Joma ngayong Pasko...

MANILA, Philippines — Handa ang pamunuan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na pa­kawalan sa Kapaskuhan ang kanilang binihag na dalawang sundalo at 12 CAFGU sa Agusan del Sur, para makapiling ang kanilang mga pamilya.

Ito ang inihayag ni CPP founding chairman Jose Maria Sison sa isang statement kasabay nang pagsasabi na ito ay sa kondisyon na itigil ng militar ang kanilang opensiba.

Para mabigyang-daan umano ang negosasyon para sa pagpapalaya sa mga binihag na sundalo at CAFGU sa pamamagitan ng 3rd party negotiators.

Magugunitang nakubkob ng 50 hanggang sa 80 NPA ang Brgy. New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur nitong nakalipas na Miyerkules ng alas-3:00 ng madaling araw na kung saan ay natutulog ang mga sundalo nang sila ay salakayin ng NPA na kung saan ay natangay ang lahat ng mga armas ng sundalo.

Show comments