Magsasaka at mangingisda isali sa 4ps-Imee

Nagtataka si Marcos na tumatakbong senador sa 2019 midterm elections kung bakit hindi kasama sa listahan ng mga barangay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga mangingisda at magsasaka gayung maituturing rin silang “poorest of the poor” dahil nakatira sa malalayong lugar na hirap abutin ng nasabing programa.
FIle

MANILA, Philippines — Hiniling ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa pamahalaan na isali ang mga mangingisda at magsasaka sa Pantawid Pamilya Program.

Nagtataka si Marcos na tumatakbong senador sa 2019 midterm elections kung bakit hindi kasama sa listahan ng mga barangay ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga mangingisda at magsasaka gayung maituturing rin silang “poorest of the poor” dahil nakatira sa malalayong lugar na hirap abutin ng nasabing programa.

Ang 4Ps ay programa ng pamahalaan  na nagbibigay ng conditional cash grants sa poorest of the poor upang mapa­ngalagaan ang kalusugan, nutrisyon, edukasyon ng mga bata na nasa edad 0-18 na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ngayong taon ay nakakuha ang ahensiya ng P89 bilyon budget para sa implementasyon ng programa.

“Farmers and fisherfolk are the most vulnerable to adverse climactic conditions. Walang ani, walang nahuhuling isda, walang kinikita pag tag-ulan o bumabagyo. So they do not earn enough to feed their families and improve their living conditions,”wika ni Marcos.

Kaya ang panukala ni Marcos ay magkaroon din ng programa na tatawaging “Pantawid Kita”, na para lang sa mga mangingisda at magsasaka na kapareho rin ng 4Ps na magbibigay ng buwanang a basic income.

Show comments