Life hatol sa 4 chinese
Guilty sa kasong droga...
MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Olongapo City RTC Branch 74 ang apat na Chinese nationals matapos mapatunayan na guilty sa posesyon ng 470 gramo ng shabu at mga sangkap sa paggawa nito nang maaresto noong Hulyo 2016 sa “floating shabu laboratory” sa loob ng isang barko sa Subic Bay.
Bukod sa life imprisonment, inatasan din ng Department of Justice ang mga akusado na sina Shu Fook Leung; Kwok Tung Chan; Wing Fai Lo; at Kam Wah Kwok, pawang chemist mula sa Hongkong ay pinagbabayad ng tig-P5 milyon sa civil liability.
Ibinasura naman ng korte ang kasong pagmamanupaktura ng iligal na droga dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.
Sa record ng korte, ang mga akusado ay inaresto noong Hulyo 11, 2016 ng mga tauhan ng PNP-Anti Illegal Drugs Unit, Philippine Coast Guard, Bureau of Immigration at Bureau of Customs sa isang barko sa Subic Bay.
- Latest