1,000 Pinoy workers kailangan sa Israel

Ayon kay Ambassador to Israel Neal Imperial, ang 1,000 trabaho ay binuo sa pamamagitan ng isang kasunduan sa loob ng tatlong buwan matapos ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nangangailangan ang bansang Israel ng 1,000 Pinoy workers para sa mga hotel dito.

Ito ay matapos na lagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Israel na pinirmahan nina Department of Labor  and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin.

Ayon kay Ambassador to Israel Neal Imperial, ang 1,000 trabaho ay binuo sa pamamagitan ng isang kasunduan sa loob ng tatlong buwan matapos ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas sa Tel Aviv na nasa 28,000 mga Pinoy  ang kasalukuyang nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Show comments