13 informer ng PDEA tumanggap ng P3.176-M cash reward

Personal na iniabot ni PDEA Director General Aaron Aquino at ng mga miyembro ng Private Eye Rewards Committee ang cash rewards sa mga informers sa tanggapan ng PDEA sa Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tumanggap kahapon ng cash rewards na umaabot sa P3.176-M mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 13 tipster na nagsilbing susi sa  matatagumpay na anti-drug operations.

Tinukoy lamang sa kanilang mga codenames na El Guapo, Efren, Dang, Garfield, Aser,RK, Cobra, Ada, Spade, Chard, Bungo, Abe at Bantay; pawang nagbigay impormasyon  na nagresulta sa 19 matatagumpay na anti-drug operations, pagkakasamsam ng bulto ng droga at pagkakaaresto ng mga drug personalities.

Personal na iniabot ni PDEA Director General Aaron Aquino at ng mga miyembro ng Private Eye Rewards Committee  ang cash rewards sa mga informers sa tanggapan ng PDEA sa Quezon City.

Anya, ang pagbibigay ng rewards at inisyatibo sa ilalim ng PDEA Operation Private Eye na humihikayat sa mga pribadong mamamayan na ireport sa mga otoridad ang mga illegal drug activities sa kanilang nasasakupan.

Kaugnay nito, anim na operating units din ng PDEA ang tumanggap din ng cash reward na aabot sa P 2,303,653-M sa inilunsad ng mga itong anti-drug­ ­operations.

Show comments