MANILA, Philippines —
Pangarap kong malibot ang buong Pilipinas, mula Batanes hanggang Jolo. Nais kong mailathala sa pamamagitan ng aking propesyon ang tunay na ganda ng ating bansa na lingid sa kaalaman ng nakararami.
Mula sa mga pagkain na ipinagmamalaki nito hanggang sa kuwento ng mga ordinaryong mamamayan, ako’y handang maligaw, matikman, at marinig lamang ang mga ito.
Halina’t tangkilikin ang sariling atin nang ating masambit at tunay na maintindihan ang katagang “It’s more fun in the Philippines”.
Pangubatan, Samala - Ito ay parang sekretong island, secret upang maingatan ang kanilang likas na kayamanan sa ganda ng lugar para hindi mabulabog ng maraming turista.
Luna La Union – Kilala ito sa ganda ng Baluarte tower na halos 400-year-old na nagsisilbing watchtower ng Barangay Victoria sa Luna, La Union.
Cagayan De Oro- Kung gusto mo ng kapayapaan at katahimikan ay mai-enjoy magpahinga sa Cagayan de Oro na malayo sa ingay at polusyon ng siyuad.
Calaruega Church ay kilala at sikat na wedding chapel sa Nasugbu, Batangas.
Kapurpurawan Rock Formation, Ilocos Norte – Huwag palampasin ang rocky coast na atraksyon ang mapuputing bato.
Kayangan Lake, Coron, Palawan – Tiyak na mai-in love sa naturang lugar na parang gusto mo nang manatili forever, na kapag bumalik na sa iyong lugar tiyak na maiiwan ang iyong puso.
Kiamba, Sarangani, Mindanao – Hanep ang 1st class na paraiso na ipinagmamalaki ng lalawigang ito.
Chocolate Hills, Bohol - Kilala ang lugar na ito sa Bohol dahil sa 1,268 na mala-Kisses chocolate na mga bundok na may iba’t ibang taas mula 3-meters hanggang 120m at nakakalat sa loob ng 50 square kilometer sa nakapagtatakang geological formation.
Mt. Pinatubo, Zambales - Matapos ang matinding pagsabog nito noong 1991, nalikha ang kamangha-manghang Crater Lake na kahit hindi ganun kadali na puntahan ang lugar ay mae-enjoy ito.
Las Casas, Bagac Bataan – Sa resort na ito sa Bagac, Bataan matatagpuan ang koleksiyon ni Jose Acuzar ng mga restored Spanish-Filipino houses.
Balete, Batangas – Kung nais ninyong ma-enjoy ang Taal Lake, sa Balete, Batangas ito ang magandang gawin. Isang oras ang layo nito sa mismong bulkan para mag-trekking at dito sa Balete, masarap magfishing.
Itogon, Benguet– Sa lugar na ito ay napakaganda ng view kahit saan lumingon.
Mt. Mayon, Legazpi Albay – Ang Mt. Mayon ay isang active stratovolcano sa Albay, Bicol na kilala sa buong mundo sa taglay nitong “perfect cone.”
Sohoton Cove, Surigao Del Norte – Hilltops, soft-sandy white beaches, forest at mga bundok ang makikita sa lugar na ito sa Surigao del Norte
Sunset in Boracay – Sikat na destinasyon ang Boracay dahil sa napakagandang beach, world-class sunset at sa buhay na buhay na night life.