^

Police Metro

Satur nagsisinungaling na hindi recruiter ng kabataan para maging NPA

Joy Cantos - Pang-masa
Satur nagsisinungaling na hindi recruiter ng kabataan para maging NPA
Ayon kay Año, base sa data ng Philippine National Police, limang kaso laban sa CPP-NPA-NDF ang naisampa sa korte kaugnay ng paglabag sa Child Abuse Law at child trafficking sa taong ito.Samantalang lima ring kahalintulad na kaso ang naihain sa korte noong 2017 at tatlo pa nitong 2016.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagsisinungaling umano si dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa pagtanggi nito na hindi siya nagre-recruit ng mga kabataan para sumapi at maging miyembro ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army-National Democra­tic Front  (CPP-NPA-NDF) at laban ang gobyerno.

“Satur Ocampo’s denial of the occurrence of illegal recruitment of minors by the CPP/NPA/NDF is a blatant lie. In fact it has been going on for decades,” pahayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, base sa data ng Philippine National Police, limang kaso laban sa CPP-NPA-NDF ang naisampa sa korte kaugnay ng paglabag sa Child Abuse Law at child trafficking  sa taong ito.Samantalang lima ring kahalintulad na kaso ang naihain sa korte noong 2017 at tatlo pa nitong 2016.

Idinagdag pa ni Año, nitong nakalipas na Hul­yo, limang katutubong Manobo sa Bukidnon ang sumuko sa Hilagang Luzon dahilan sa hindi maayos na pamumuhay ng mga NPA.
Isang 15-taong gulang na NPA combatant ang napatay sa engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at komunistang rebelde sa Sitio Bayongon, Barangay Astorga sa Sta. Cruz, Davao del Sur noong Abril 21, 2018.
 “Ang ebidensya tungkol sa pagre-recruit ng mga kabataan sa CPP/NPA/NDF ay walang pagdududa. Sa katunayan, ito ay nailathala na ng media bagaman hindi komprehensibo ang ulat. At kahit laban ito sa lokal at international law, ang teroristang komu­nista ay patuloy na binubulag ang mga kabataan dahil sa kanilang pagkai­nosente,” anang Kalihim.
Hinikayat naman ng opis­yal ang lahat ng mga Local Government Units (LGUs) na maging bukas at aktibong pangunahan ang laban kontra sa mga kalaban ng estado.

Ayon kay Año, ang malawak na kapangyarihang pulitikal at implu­wensiya ng opisyal ng lokal na pamahalaan sa kanilang nasasakupan ang maaaring magtapos sa insureksyon sa bansa.

SATUR OCAMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with