MANILA, Philippines — Maraming pamilyang Pinoy ang naging biktima ng “common crimes” batay sa resulta ng September 2018 Social Weather Stations (SWS) survey na ipinalabas kamakalawa.
Nasa 1.4 milyong pamilya o 6.1 percent ang naging biktima ng “common crimes” tulad ng pickpocketing, robbery, pagpasok sa kanilang mga bahay, carnapping, at physical violence sa nakalipas na 6 na buwan.
Ito ay tumaas dahil sa 1.2 milyon pamilya o 5.3 percent ang napaulat na biktima ng common crimes noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Nasa 1.3 milyon pamilyang Pinoy ang nabiktima ng property crimes tulad ng snatching, akyat bahay, at carnapping sa nakalipas na 6 buwan na tumaas dahil 1.2 pamilyang Pinoy ang nabiktima noong Hunyo.