Duterte ‘no show’ sa Bonifacio Day sa Caloocan

Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang pinadala ni Pangulong Rodrigo Duterte para pangunahan ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Andres Bonifacio kaugnay ng ika-135 taon ng kapanganakan kahapon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang kahapon ng ika-135 taon kaarawan ni Gat Andres Bonifacio sa Monumento, Caloocan City ay hindi ito sinipot ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte bagkus ipinadala na lang niya si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang kanyang kinatawan.

Mag-aalay sana ng bulaklak sa bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Mo­numento circle sa Caloocan City si Pa­ngulong Duterte, subalit pinakansela ito ng Pa­ngulo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinakailangang magpunta ng Mindanao ang Pangulo dahil sa problema ng insurgency.

Show comments