MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy ang pagbagsak ng presyo ng copra ay nasa 3.5 milyon ng coconut farmers ang naapektuhan ng kabuhayan kaya’t nagpanukala si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa gobyerno na bigyan ang mga ito ng “three pronged rescue package”.
Noong nakaraang linggo ay binisita ni Gov. Marcos na tumatakbong senador sa 2019 midterm elections ang mga lalawigan na tinaguriang copra-producing sa Eastern Visayas at Caraga Region at dito ay dumaing sa kanya ang mga copra producers at coconut farmers tungkol sa sitwasyon ng kanilang kabuhayan.
Batay sa datos ng Philippine Coconut Authority (PCA) na ang average farm-gate price sa copra ay nanatiling P18 hanggang P22 ang kilo noong October. Habang pinakamababa ang presyo sa Eastern Visayas na kilalang copra-producing regions sa presyo na P15.62 per kilo noong nakalipas na buwan na nagpapakita na bumaba ang presyo ng copra mula sa dating P25 per kilo sa unang tatlong buwan ng taon.
Anya, unang dapat gawin ng gobyerno ay pautangin ang mga apektadong magsasaka ng niyog at atasan ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na magbigay ng mga programa para suportahan ang mangungutang na mga magsasaka.
Ikalawang dapat gawin ng pamahalaan ay parusahan ang mga copra smugglers na nagpapahirap sa mga local farmers.
Ang huli ay itaas sa 5 percent presyo ang biodiesel blend (B5) mula dating 2 percent na magsisilbing long-term solution sa problema sa pagbaba sa presyo ng copra.
Samantala, isang panukalang batas ang inaprubahan ng Kamara at Senado ukol sa P100 bilyong Coco Levy fund para sa magniniyog sa bansa.
Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, ang Coconut Farmers and Industry Development Act ay isa sa priority bill ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pinalakas at reconstituted na Philippine Coconut Authority (PCA) ang siyang mamamahala sa pondo.