MANILA, Philippines — Halos mayorya ng konsehal ng Makati City ang sumusuporta sa kandidatura ni dating Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay.
Pinangunahan ni 2nd District Councilor Nemesio “King” Yabut Jr., bagong Majority Floor Leader;Shirley Aspillaga; Maria Alethea Casal-Uy; Ferdinand Eusebio;
Lony De Lara-Bes; Divina Jacome; Leonardo Magpantay; Romeo Medina; Arlene Ortega; Nelson Pasia; Mary Ruth Tolentino; at Evelyn Delfina Villamor.
Ang 12 konsehal din ang nananawagan noon kay Binay Jr. na bumalik sa puwestong kanyang napanalunan noong 2010 at 2013.
Ang pagkapanalo bilang Majority Leader ni Yabut Jr., ay aksyon lamang ng kanilang grupo na nais isakatuparan ang kanilang karapatang pamunuan ng isa sa kanila.
Bukod sa suporta ng 12 sa 18 mga kasalukuyang konsehal sa Makati City Hall ay 21 naman sa 33 barangay chairmen ay tinutulak din ang kandidatura ni Binay Jr.
Ayon naman kay Konsehal Eusebio na kung bababa ka sa mga barangay at makipag-usap sa mga residente ng Makati, ay iba pang mga sektor ay nais nilang muling makabalik si Binay Jr. sa puwesto dahil sa nami-miss umano na nila ang serbisyo nito.