^

Police Metro

P150-k bail ni Imelda aprub

Gemma Garcia - Pang-masa
P150-k bail ni Imelda aprub
Epektibo naman ang piyansa ni Marcos hanggang mapagdesisyunan ng Sandiganbayan ang motion for leave of court na hinihingi ng kongresista para sa post conviction remedies niya matapos na mahatulan ng pitong bilang ng kasong graft.
File

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Sandiganbayan fifth division si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan matapos hatulan dahil sa kasong graft.

 

Inirekomenda ng Anti-graft court ang halagang P150,000 para sa  pansa­mantalang paglaya ni Marcos.

Bukod sa pagpipiyansa nagpaliwanag din ang da­ting unang ginang na hindi siya nakarating sa kanyang promulgation sa Sandiganbayan noong Nobyembre 9 dahil sa mayroon siyang sakit at hindi niya alam ang schedule.

Nalaman lamang umano niya na schedule ng kanyang promulgation matapos niya itong mapanood sa mga balita sa telebisyon.

Epektibo naman ang piyansa ni Marcos hanggang mapagdesisyunan ng Sandiganbayan ang motion for leave of court na hinihingi ng kongresista para sa post conviction remedies niya matapos na mahatulan ng pitong bilang ng kasong graft.

Ang P150,000 bail bond ay katulad din ng halaga na inilagak ni Marcos noong 1991 subalit nabalewala na ito dahil sa hindi niya pagdalo noong November 9 pro­mulgation ng kanyang mga kaso na inihingi na ng paumanhin ng dating unang ginang dahil sa kadahilanang pangkalusugan.

IMELDA MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with