^

Police Metro

Pasahe sa jeep ibalik sa P8

Gemma Garcia - Pang-masa
Pasahe sa jeep ibalik sa P8
Idinagdag pa ni ­Abayon, na kailangan nang magpatupad ng urgent rollback upang agad itong mapakinabangan ng mga commuters at makatulong sa tumataas na gastusin sa bansa.
STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Umapela ang isang mambabatas sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na magpapatupad ng rollback sa pasahe sa jeep at bus.

Ito ang naging apela ni Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon III dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa world market at malaki na rin ang nabawas sa presyo ng krudo kaya dapat na ibalik na ng LTFRB sa P8 ang singil sa pamasahe.

Idinagdag pa ni ­Abayon, na kailangan nang magpatupad ng urgent rollback upang agad itong mapakinabangan ng mga commuters at makatulong sa tumataas na gastusin sa bansa.

Paalala ng kongresista na wala namang economic at legal basis para sa kasalukuyang public transport fares at pinagco-convene rin ang LTFRB para agad na ibalik sa P8 ang pamasahe sa jeepneys sa unang apat na kilometro.

Hinikayat din ng kongresista na sumunod ang LTFRB sa ‘parametric formula’ ni Transportation Sec. Arthur Tugade kung saan otomatikong ma-a-adjust ang PUV fares na hindi na kinakailangan ang fare hike o rollback petition at ibabase ang fare adjustment sa inflation at paggalaw ng presyo ng langis at krudo sa world market.

ROLLBACK SA PASAHE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with