Jeep at bus na magtataas ng pasahe na walang taripa tatanggalan ng prangkisa
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng driver ng pampasaherong jeep at bus na tatanggalan nila ng prangkisa ang mga sasakyan sa oras na mapatunayan na nagtaas ng pasahe ng walang updated fare matrix mula sa ahensiya.
Ayon kay LTFRB executive director Samuel Jardin, bukas na ang ahensiya ngayon upang mag-isyu ng fare matrix para sa bus at jeep.
Anya, illegal ang operasyon ng passenger bus at jeep na nangongolekta ng taas pasahe ng walang fare matrix kayat ang mga sumusuway sa direktiba ng LTFRB ay parurusahan.
Pagmumultahin ng P5,000 ang mga pasaway na driver sa unang offense, P10,000 sa ikalawang offense at P15,000 sa ikatlong offense at tanggal prangkisa.
Oras na makapaglagay ng bagong fare matrix, ang lahat ng pampasaherong jeep sa MMLA, Region 3 at 4 ay maaaring maningil ng P10 minimum pasahe habang dagdag P1 naman ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila at provincial buses.
- Latest