P25 minimum wage hike para sa NCR workers

Ito ang inihayag kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello at sa increase na ito ay isasama na rin ang 10 pisong cost of living allowance kaya’t aabot sa P537 ang tatanggaping sahod ng NCR workers na epektibo matapos ang 15 araw na ito ay mai-publish.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Regional Wages and Productivity Board ang P25 increase para sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ito ang inihayag kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello at sa increase na ito ay isasama na rin ang 10 pisong cost of living allowance kaya’t aabot sa P537 ang tatanggaping sahod ng NCR workers na epektibo matapos ang 15 araw na ito ay mai-publish.

“Kinokonsidera ng wage board ang kapasidad ng mga employers at ekonomiya para sa wage hike”, wika ni National Wages and Productivity Commission Executive Director Criselda Sy.

“It is a potential source of second round inflatio­nary effect. Ibig sabihin po kung ang inflation level natin ay 6.7 percent mas maaari pong tumaas pa diyan,” dagdag pa nito.

Inianunsiyo din ng labor department ang P10 basic pay increase at P10 per day COLA sa Cagayan Valley, at P12 hanggang P20 minimum wage hike sa  Mimaropa Region

Ang pagtaas ng minimum wage sa Cagayan Valley ay aabot sa P320 hanggang P360, at sa Mimaropa ay P283 hanggang P320.

Ayon naman kay ALU-TUCP spokesperson, Alan Tanjusay na yun P25 ay baryang barya lang sa mga medium at large enterprises.

“Baka ho pwedeng P100 man lang yung dagdag sa sahod. Kung P25, wala po, hindi kayang bumili ng isang kilong NFA rice yan,” wika pa nito.

Show comments