^

Police Metro

Ex-Sen. Osmeña pinadidiskwalipika ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Ex-Sen. Osmeña pinadidiskwalipika ng Comelec
Ayon sa Comelec-Campaign Finance Office, dalawang beses nabigo ang dating senador na mag-file sa takdang panahon ng Statement of Contributions and Expenditure.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Dahil umano sa kabiguang magdeklara ng tamang ginastos sa kampanya ay pinadi-diskwalipika na nang tuluyan ng Commission on Elections (Comelec) si dating Senador Sergio Osmeña III na tumakbo sa anumang go­vernment position. Ayon sa Comelec-Campaign Finance Office, dalawang beses nabigo ang dating senador na mag-file sa takdang panahon ng Statement of Contributions and Expenditure (SOCE).

Bagaman nanalo noong 2010 elections, ay hindi naman nakapagsumite ng SOCE si Osmeña sa loob ng 30 day period at noon ding 2016 polls kung saan natalo siya sa muling pagsabak sa senatorial race.

Sa petisyong nilagdaan ni Atty. Efraim Bag-Id, acting campaign finance director ng poll body, pagmumultahin si Osmeña ng P60,000 bukod pa sa “perpetually disqualification” sa paghawak sa anumang public office.

Kampante naman ang dating mambabatas na mababasura ang isinampang disqualifiaction dahil pinayagan siyang makapag-file ng SOCE kahit late noong 2010.

SERGIO OSMEñA III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with