4 patay sa karambola ng mga sasakyan
MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi habang anim ang nasugatan nang magkarambola ang apat na sasakyan kahapon ng umaga sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.
Nasawi noon sina Rencie Bautista, 33, engineer, lulan ng Toyota Vios; Remedios Bautista, 33, bank assistant manager; Zyryn Athena, 4; at Calixto Racasa, 64, driver ng tricycle.
Dinala sa pagamutan ang mga nasugatang sina Florentino Densing, 51;driver ng Bicol Isarog Bus; mga pasahero na sina Lutha Huarde, 35, nurse; Vilma Azotea, 57; Jonas San Juan; Aldrin Racasa, 22; at Aaron Racasa, 13.
Batay sa ulat, bago nangyari ang sakuna sa kahabaan ng highway ng Brgy. San Jose, Sto, Tomas, dakong alas-5:30 ng umaga ay binangga ng trailer truck (DUC-281) na minamaneho ni Ruel Jarabese, 44 ang tricycle ni Calixto Guzman.
Dahil sa nawala na sa kontrol ang trailer truck ay sumunod namang nabangga ang kasalubong na Bicol Isarog bus (ADE5288 ) na minamaneho ni Florentino Densing.
Nabangga naman ng bus ang Toyota Vios (WB 0486) ang mga maliliit na sasakyan sa gitna ng bus at ng truck na agad ikinasawi ang 3 pasahero ng Vios at isang sakay ng tricycle na ikinasugat din ng iba pang mga biktima kabilang ang dalawang pasahero ng bus.
- Latest