MANILA, Philippines — Inihayag ni PAGASA weather specialist Aldezar Aurelio na magiging maulan sa buong bansa hanggang sa araw ng Undas o Nobyembre 1 dulot ng bagyong Rosita at tatama sa Cagayan, Isabela na inaasahang papasok sa Area of Responsibility sa Martes at posibleng lumabas sa Huwebes.
Dahil dito magdudulot ito ng light to moderate na pag ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Bataan at lalawigan ng Zambales.
Inaasahan naman ng PAGASA na hindi magdudulot ng pagbaha at landslides sa nasabing mga lugar.
Posibleng maging maganda naman ang panahon sa Biyernes maliban na lamang sa Ilocos Region na magkakaroon ng manaka-nakang pag-ulan.
Huling namataan ang bagyong Rosita sa 980 kilometers east of Aparri, Cagayan kahapon ng alas-4:00 ng madaling araw na may taglay na maximum sustained winds na 200 kph at may 245 kph gustinense.