Manila barangay chairmen kakasuhan sa basura - Erap

Ayon kay Estrada, kawalan ng disiplina at kapabayaan ng mga barangay officials ang dahilan kaya’t patuloy na namimihasa ang mga ito na basta- basta na lamang nagtatapon ng kanilang basura.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga barangay chairmen dahil sa pagpapabaya sa kalinisan sa lugar at hindi makontrol ang kanilang mga residente sa pagtatapon ng basura.

Ang kautusan ay ginawa ni Estrada kasabay ng pagprisinta niya sa may 218 katao na nahuli sa aktong nagtatapon ng basura sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Ayon kay Estrada, kawalan ng disiplina at kapabayaan ng mga barangay officials ang dahilan kaya’t patuloy na namimihasa ang mga ito na basta- basta na lamang nagtatapon ng kanilang basura.

Sinabi ni Estrada na kilala naman ng mga barangay officials ang kanilang mga tao kaya’t maaari itong disiplinahin sa pamamagitan ng pagpupulong.

Binuo na rin si Estrada ng Task Force Malinis na Kapaligiran upang magmonitor sa mga lugar, bahay, at taong magtatapon ng basura.

Show comments