Pakikiisa ng publiko, sagot sa korapsyon- Quezon City VM Joy Belmonte
MANILA, Philippines — Alinsunod sa pambansang kampanya ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa katiwalian, sinusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa mga kaso ng korapsyon sa lokal na pamahalaan.
“Since the DILG under Secretary Eduardo Año has highlighted that P30-billion pesos is being lost every year to corruption in the local government sector and that most cases filed at the Ombudsman are at the LGU level, we really need to work on changing the culture of corruption in our city,” ani Belmonte.
Ang ‘Bantay Korapsyon’ drive ng DILG ay makikipag-ugnayan kay Belmonte at sa Quezon City para sa isang pilot program na magtataguyod ng transparency at mabuting pamamahala upang labanan ang korapsyon ng mga opisyales at kawani ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Belmonte, ang unang hakbang sa kampanyang ito ay ang pakikipag-usap nang direkta sa mga residente ng lungsod upang hikayatin silang sumapi sa ‘Bantay Korapsyon.’
Idinagdag pa nito na ang mga isyu na dapat bantayan ng mga mamamayan ng Quezon City ay ang mga proyektong pang-imprastraktura, lalo na ang madalas na pagsasa-ayos ng mga kalsada, overpriced na mga bilihin, ghost employees at ghost projects.
Bilang bahagi ng kampanyang ‘Bantay Korapsyon,’ kasalukuyang nakikipagtulungan ang DILG sa konseho ng lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Belmonte upang ipatupad ang unang Freedom of Information Ordinance na base sa LGU sa Quezon City.
- Latest