P10 na ang pasahe sa jeep
Simula Nobyembre...
MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre ay epektibo na ang pagtaas ng singil sa minimum pasahe na P10 mula sa dating P8 para sa unang apat na kilometrong takbo ng sasakyan
Ito ay makaraang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare hikepetition para dito na naisampa ng FEJODAP, ACTO, ALTODAP, LTOP at Pasang Masda.
Binigyang bigat ng LTFRB sa kanilang desisyon ang rason sa naturang mga transport groups na matindi na ang epekto sa kanila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum products at presyo ng mga bilihin at spare parts kayat napapanahon na anila ang fare hike.
Hindi naman naaprubahan ang hiling ng mga itong dagdag na P2 na taas sa singil sa succeeding kilometer dahil sa kawalan ng basehan.
Ang fare hike ay nilagdaan ni LTFRB Chairman Martin Delgra at board members Ronaldo Corpuz at Aileen Lizada.
Makaraan ang 15 araw makaraang mai-publish sa mga pahayagan ang kautusan ay saka pa lamang magiging epektibo ang fare hike na papatak ng November 1.
- Latest