Konsehal ng bayan inutas
MANILA, Philippines — Isang municipal councilor ang pinagbabaril ng riding in tandem suspects sa harapan ng pamilihang bayan ng Siquijor, Siquijor, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Domingo Arcamo II, 1st term na Councilor ng nasabing bayan.
Sa ulat ni Sr. Inspector Mark Edward Barrios, hepe ng Siquijor Police, bago nangyari ang krimen bandang alas-6:00 ng gabi ay nagpunta ang biktima lulan ng motorsiklo sa Brgy. Poblacion upang sunduin ang kaniyang misis na nagtratrabaho sa Siquijor District Hospital.
Habang hinihintay ng biktima ang kaniyang misis sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang riding in tandem at pinagbabaril ang biktima na tinamaan ng mga bala sa tiyan at dibdib na ikinamatay agad nito.
- Latest