^

Police Metro

Inflation rate pumalo sa 6.7%

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa nakalipas na buwan ng Setyembre ay pumalo sa 6.7 percent ang inflation rate sa bansa na mas mataas kaysa 6.4 peercent noong nakaraang buwan.

 

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Usec. Lisa Grace Bersales, ang 6.7 percent na inflation rate ang pinakamabilis simula noong February 2009 na nakapagrehistro ng 7.2 percent.

Wika pa ni Usec. Bersales, pinakamataas na naita­lang data ay sa Bicol region na may 10.1 percent habang ang lowest naman ay sa Central Luzon na mayroon lamang 4.5 percent.

Ang Metro Manila ay may mabagal na inflation kung ihahambing sa average ng ating bansa.

Ang inflation rate ay sukatan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa mga partikular na lugar.

Gumagawa naman ng hakbang ang gobyerno upang malabanan ang mataas na presyo ng bilihin sa mga basic commodities.

INFLATION

LISA GRACE BERSALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with