Digong tumaya sa 6/58 lotto

Ayon kay Sec. Go, ang tinayaan ni Pangulong Duterte ay 18 combinations na may kahalong lucky pick habang siya ay 2 combinations lamang ang kanyang tinayaan.
STAR/Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Ambisyon din ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na mapanalunan ang nasa P885 milyon ng 6/58 lotto jackpot nang tumaya ito para sa nasabing draw mamayang gabi.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa panayam ng Malacañang reporters, maging siya ay tumaya rin para sa 6/58 ultra lotto draw.

Ayon kay Sec. Go, ang tinayaan ni Pangulong Duterte ay 18 combinations na may kahalong lucky pick habang siya ay 2 combinations lamang ang kanyang tinayaan.

Sa isang lotto outlet dito sa Metro Manila nagpataya sila ni Pangulong Duterte na kung sakali’t palarin ay ilalaan nila ang mapapanalunan para sa kanilang Malasakit center program.

Binigyang-diin ni SAP Go na hindi na bago ang pagtaya sa lotto nila ni Pangulong Duterte gayung ginagawa na aniya nila ito sa nakalipas na limang taon.

Magugunita na 6/58 lotto draw noong Martes ay tumaya rin si Davao City Mayor Sara Duterte na nagsabi na kapag tumama ay kabilang sa bibigyan niya ng balato ay si Sen. Antonio Trillanes IV upang may pambayad na raw ito sa attorney’s fee sa kakaharapin niyang mga kaso.

Show comments