MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang barangay kagawad nang sila ay pagbabarilin sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan sa bayan ng Sergio Osmeña at Godod, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.
Sa report dakong alas-6:30 ng gabi nang pagbabarilin ng nagpakilalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang biktimang si Jose Rey Bongcawei, 44, kagawad sa Brgy. San Isidro, Sergio Osmeña ng lalawigan.
Bago ito ay pinalibutan ng 8 armadong miyembro ng NPA rebels ang bakuran ng biktima saka pinasok ang bahay nito at saka siya pinagbabaril.
Ang ikalawang insidente ay naganap bandang alas-6:20 naman ng gabi nang pagbabarilin ang biktima na si Nilo Dahili, nasa hustong gulang, Kagawad sa Brgy. Lomogon, Godod, Zamboanga Del Norte ng riding in tandem suspects.