72 namatay sa Cebu landslide

Sinabi ni Concepcion Ornopia, Regional Director ng Office of Civil Defense (OCD) VII, hanggang alas-12 na lamang ng tanghali ngayong araw ay ganap nang ihihinto ang paghuhukay sa nalalabi pang mga bangkay na natabunan sa trahedya.
The Freeman

MANILA, Philippines — Umabot na sa 72 bangkay ang nahukay sa naganap na landslide sa Naga City, Cebu at dahilan sa peligro sa buhay at kalusugan ay ititigil na ngayong araw ang search and retrieval team.

Sinabi ni Concepcion Ornopia, Regional Director ng Office of Civil Defense (OCD) VII, hanggang alas-12 na lamang ng tanghali ngayong araw ay ganap nang ihihinto ang paghuhukay sa nalalabi pang mga bangkay na natabunan sa trahedya.

Masyado na anyang delikado sa mga rescuers ang maghukay pa dahil malambot na ang lupa at bukod dito ay masyadong masangsang na ang amoy sa lugar bunga ng mga nabubulok na bangkay na peligroso na rin sa kalusugan.

Sa kabuuang 72 narekober na bangkay, 65 dito ang buo pa; lima ang bahagi ng mga katawan na lamang na nakilala ng kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng suot na damit at ilang palatandaan sa katawan at dalawa pa na hindi pa nakilala na hindi na rin buo ang katawan nang marekober.

Show comments