^

Police Metro

Kaso ng Abra mayor at bise, hiniling na ibasura

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ng mga suspendidong sina Abra, Lagayan Mayor Jendricks Luna at Vice Mayor Joy Chrisma Luna na ibasura ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang kasong isinampa sa kanila.

Kasong dishonesty at grave misconduct ang isinampa sa dalawang ­opisyal ni Councilor Noel Cortez dahil sa 20 proyektong naisagawa sa lalawigan, tatlo umano dito ay non existing.

Ang tatlong proyekto na napondohan ng Internal Revenue Allotment (IRA) allocation para sa 4th quarter ng taong 2016 at 2017 na non existing ay ang  Bai-Nagba road sa Barangay Ba-I, Collaga-Lucgay road sa Barangay Collaga at Poblacion Lagayan-Dagsianan road sa Barangay Poblacion.

Sinabi ng mga respondents sa isang pulong balitaan sa QC na kanilang hiniling ang pagbasura ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang kaso dahil sa kakulangan ng merito.

Ang dalawang mataas na opisyal ng nasabing bayan ay sinuspinde ni Abra Gov. Jocelyn Bernos noong Setyembre 12, 2018 ng 90 araw.

Ayon sa mga respondents, wala umanong naipakitang ebidensiya ang complainant at tanging mga larawan ng unimproved roads ang ipinakita nito.

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with