^

Police Metro

Bagyong ‘Ompong’ lalo pang lumalakas

Mer Layson - Pang-masa
Bagyong �Ompong� lalo pang lumalakas
Nakita ang mata ng bagyo sa 1,845 km East ng Southern Luzon at inaasahang papasok ng PAR nga­yong Miyerkules at taglay pa din ang kategoryang super ­typhoon kaya maaaring magpalabas agad ng storm signal ang Pagasa sa Miyerkukes ng gabi.
PAGASA

MANILA, Philippines — Lalo pa umanong lumakas ang bagyong Ompong na may international name na “Mangkhut” habang ito ay papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PA).

Sa weather bulletin na ipinalabas ng Pagasa, nabatid na taglay na ni ‘Ompong’ ang lakas ng hangin na 170 kph at bugsong 210 kph at kumikilos sa bilis na 25kph.

Nakita ang mata ng bagyo sa 1,845 km East ng Southern Luzon at inaasahang papasok ng PAR nga­yong Miyerkules at taglay pa din ang kategoryang super ­typhoon kaya maaaring magpalabas agad ng storm signal ang Pagasa sa Miyerkukes ng gabi.

Kung hindi magbabago ng direksiyon ay tatahakin ng bagyo ang Northern Luzon hanggang Biyernes at sa Sabado ay tatawid sa Cagayan-Batanes.

Kaya’t pinaghahanda na ng Pagasa ang publiko na gumawa ng precutionary measure para sa kani-kanilang kaligtasan dahil malakas ang paparating na bagyo ay hahatakin din nito ang hanging habagat.

Related video:

TYPHOON MANGKHUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->