MANILA, Philippines — Nakakaalarma ang pagdami ng bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagkakaroon ng HIV-AIDS matapos na umabot na sa 10% nang mahigit 56,000 na Pilipino na pawang OFW ay nasa National HIV and AIDS Registry.
Sa datos noong Enero hanggang Hunyo ay nasa 14.4% ang bagong kaso ng HIV AIDS sa hanay ng OFWs na mas mataas kumpara sa naitala sa kaparehong petsa noong Hunyo 2017.
Kaya nanawagan si Acts-OFW Partylist Rep. Aniceto John Bertiz sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maglaan ng malaking resources para sa AIDS Prevention Program sa hanay ng OFWs.
Hinikayat din nito ang mga magsisiuwian na OFWs na boluntaryong sumailalim sa AIDS test lalo na kung na enggage sila sa high risk sexual behavior sa ibang bansa.
Sa ganitong paraan ay maagapan ang kalagayan nito ay maiiwasang makahawa pa ng iba.