MANILA, Philippines — Ang pagkakaroon ng maayos na paggawa ng kalsada ay susi sa magandang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Pinuri ni Parañaque Congressman Gus Tambunting si DPWH Engineer Tiburcio Magtoto nang manguna ito sa rating sa mga nangangasiwa sa mga lansangan sa Metro Manila dahil sa pagkakaroon ng mga well maintained national roads sa may Sucat Road, Parañaque City na main arterial road na nag-uugnay sa Roxas Blvd. at Coastal Road sa South Luzon Expressway (SLEX).
Una nang nanawagan ni QC Councilor Victor Ferrer na parusahan ang mga tauhan ng gobyerno na hindi ginagawa ang tungkulin na mapangalagaan ang mga kalsada para sa kapakanan ng publiko.