Bodega ng rice hoarders pinapa-raid ni DU30

“Ayaw ko sanang magsalita pero may ganun ng order na po. Hindi ko na lang po sasabihin kung sino. Nananawagan lang ako sa mga walanghiyang hoarders, alam po namin kung sino kayo at bubuksan na po ang inyong mga pintuan,” wika pa ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mariing ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año gayundin ang Philippine National Police na salakayin nito ang mga bodega ng mga rice hoarder sa bansa.

“Ayaw ko sanang magsalita pero may ganun ng order na po. Hindi ko na lang po sasabihin kung sino. Nananawagan lang ako sa mga walanghiyang hoarders, alam po namin kung sino kayo at bubuksan na po ang inyong mga pintuan,” wika pa ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi ni Roque na habang sila ay nasa ­eroplano ni Pangulong Duterte kasama ang miyembro ng Gabinete patungong Israel ay iniutos ni Duterte kay Año na atasan na nito ang pulisya na salakayin ang mga bodega ng mga rice hoarders.

 “Well, actually ho, hindi lang kay Secretary Año; sa PNP na po. Sa airport pa lang po ay mayroon ng sinabi sa ating mga kapulisan na kinakailangan talagang buksan iyong mga warehouse na iyan. Mag-sample na tayo nang mapakita natin na talagang seryoso ang gobyerno na labanan itong hoarding ng bigas,” giit pa ni Roque.

Show comments