Trader na nag-viral sa panggugulpi sa traffic enforcers inilipat na sa Camp Crame Hospital
MANILA, Philippines — Mula sa pribadong ospital ay inilipat na sa Camp Crame Hospital ang kontrobersiyal na negosyanteng si Arnold Padilla.
Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar, nakalabas na sa pribadong ospital si Padilla at ililipat na sana sa Camp Bagong Diwa, subalit bigla na namang tumaas ang presyon ng kanyang dugo.
Subalit sa halip na ibalik sa pribadong ospital ay idiniretso na si Padilla sa Camp Crame Hospital.
Paliwanag ni Eleazar mayroon namang sapat na pasilidad at mga doktor sa ospital sa Crame kaya doon na ito idiniretso.
Si Padilla ay naging kontrobersyal matapos umanong saktan ang isang barangay traffic enforcers kasama ang kanyang asawa at mga bodyguards sa Makati City.
Sinalakay ang bahay nito at narekober mula rito ang dalawang granada at matataas na uri ng baril na hindi lisensyado.
- Latest