DU30 ‘di pabor na gawing legal ang rice smuggling

Ito ang naging paliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi niya pagpabor sa panukala ni Agriculture Sec. Manny Pinol na gawing legal ang rice smuggling sa bansa bago Ito magtungo sa Israel para sa isang state visit.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — “No of course not. That would be destructive to the economy,”

Ito ang naging paliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi niya pagpabor sa panukala ni Agriculture Sec. Manny Pinol na gawing legal ang rice smuggling sa bansa bago Ito magtungo sa Israel para sa isang state visit.

“You’d put down on the market in turmoil.Smuggled rice unrestrained, that would be destructive to the eco­nomy,” dagdag pa ng Pa­ngulo.

Aniya, mas pabor siyang mag-import ng bigas ang bansa at ibenta ito ng palugi para sa mahihirap.

“Maybe we can import and lose. Import natin, ipagbili natin at a price that. Malulugi tayo. Pero will peg it at a price that Filipinos can afford,” dagdag pa ni Duterte.

“We can lose not allow smuggling in this country. That’s  other way around. Mag-import tayo tapos magpalugi na lang. At least meron tayong benchmark Kung magkano maubos, pera natin,” sabi pa ng Pa­ngulo.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, kung may hoar­ding ng bigas ay ipa-raid niya ito sa pulis at military ang mga bodega.

Show comments