MANILA, Philippines — Kinalimutan at sa halip ay kinakain na lamang araw-araw si Lapu-Lapu.
Ito ang malungkot na naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay Lapu-Lapu, ang kauna-unahang Filipino na nagtanggol laban sa dayuhan.
“It pains me deeply to see Lapu-Lapu eaten everyday,” wika pa ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe kahapon sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani.
“Lapu-Lapu was the first Filipino to kill a foreigner who invaded our country... but history forgot him,” dagdag pa ng Pangulo.
Upang hindi makalimutan ng taumbayan ang nagawa ni Lapu-Lapu ay pabor si Pangulo na ipangalan dito ang Mactan International Airport sa Cebu.
“I am in favor of renaming Mactan International Airport to Lapu-Lapu International Airport,” wika pa ni Duterte.
Hinikayat din ng Pangulo ang bawat Filipino na tularan ang ginawang sakripisyo ng mga nag-alay ng buhay upang makamit ang kalayaan at demokrasya.
Kinilala rin ng Pangulo ang ginawang kabayanihan ng mga pulis, sundalo at OFWs.