^

Police Metro

Kabayanihan ni Lapu-Lapu kinalimutan na-DU30

Rudy Andal - Pang-masa
Kabayanihan ni Lapu-Lapu kinalimutan na-DU30
Ito ang malungkot na naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay Lapu-Lapu, ang kauna-unahang Filipino na nagtanggol laban sa dayuhan.
Aldo Nelbert Banaynal

MANILA, Philippines — Kinalimutan at sa halip ay kinakain na lamang araw-araw si Lapu-Lapu.

Ito ang malungkot na naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay Lapu-Lapu, ang kauna-unahang Filipino na nagtanggol laban sa dayuhan.

“It pains me deeply to see Lapu-Lapu eaten everyday,” wika pa ni Pa­ngulong Duterte sa kanyang mensahe kahapon sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani.

“Lapu-Lapu was the first Filipino to kill a foreigner who invaded our country... but history forgot him,” dagdag pa ng Pangulo.

Upang hindi makalimutan ng taumbayan ang nagawa ni Lapu-Lapu ay pabor si Pangulo na ipangalan dito ang Mactan International Airport sa Cebu.

“I am in favor of renaming Mactan International Airport to Lapu-Lapu International Airport,” wika pa ni Duterte.

Hinikayat din ng Pa­ngulo ang bawat Filipino na tularan ang ginawang sakripisyo ng mga nag-alay ng buhay upang makamit ang kalayaan at demokrasya.

Kinilala rin ng Pangulo ang ginawang kabayanihan ng mga pulis, sundalo at OFWs.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with