Mister inutas habang nagpapahinga

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na mister ang nasawi nang siya ay pagbabarilin ng isang lalaki habang nagpapahinga sa duyan sa labas ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Zone 6, Brgy. Villa Petrona, Libon, Albay.

Kinilala ang nasawing si Ramon Borromeo, habal habal driver.

Sa ulat bago nangyari ang pamamaril dakong alas-7:30 ng gabi ay nakaupo ang biktima sa duyan habang kausap ang misis nang dumating ang isang lalaki na agad nagbunot ng baril at pinutukan ang biktima.

Sa takot ng misis ay nagtatakbo ito na hindi na hinabol ng suspek.

Show comments