MANILA, Philippines — Apatnaput isang araw lamang manunungkulan sa kanyang puwesto ang bagong talaga na si Supreme Court Chief Justice Teresita Loenardo-de Castro.
Dahil sasapit na si De Castro sa mandatory retirement age sa mga justice na 70 taong gulang.
Ayon sa source sa Palasyo ng Malakanyang, bago pa man nagsumite ng shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC), napili na ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Castro na pumalit sa puwesto nang napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Anya, seniority ang naging basehan ng pangulo sa pagpili ng bagong punong mahistrado.
Kaya’t walang katotohanan ang sinasabing bayad-utang ang pagpili ni Duterte kay De Castro na malaki ang naging bahagi para mapatalsik si Sereno sa puwesto.
Si De Castro ang makapagtatala sa kasaysayan sa bansa na may pinakamaiksing termino bilang punong mahistrado na tatalunin ang record ni dating Chief Justice Pedro Yap na nakapagsilbi lamang ng 75 araw mula noong April 18 hanggang June 30, 1988.
Related video: