De Castro itinalagang bagong Chief Justice

Teresita De Castro

MANILA, Philippines — Si Associate Justice Teresita De Castro ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.

 

Ito’y inanunsiyo kahapon ng hapon ni Department of Justice (DoJ) Secretary at Judicial and Bar Council (JBC) ex-officio member Menardo Guevarra.

Si De Castro ay isa sa mga most senior na associate justice ng Korte Suprema.

Nakasama ni De Castro sa shortlist ng JBC na isinumite kay Duterte sina Associate Justice Lucas Bersamin at Diosdado Peralta.

Pero magiging maikli lamang ang panunungkulan ni De Castro sa SC dahil nakatakda itong magretiro sa Oktubre 2018, dalawang buwan matapos siyang maging Chief Justice.

Pinalitan ni De Castro ang napatalsik na si dating chief justice Maria Lourdes Sereno.

Nakatakdang ilabas ng Malacañang ang pormal na appointment ni De Castro sa Agosto 28.

Pinuri naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga kay de Castro bilang bagong chief justice.

Show comments