^

Police Metro

‘Galunggong’ galing China bantay sarado

Rudy Andal - Pang-masa
‘Galunggong’ galing China bantay sarado
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hihigpitan ng gobyerno ang pagpasok at inspeksyon ng mga galunggong sa mga port areas para hindi makapasok sa bansa na pangu­ngunahan ng Department of Health (DOH) at Department of Agriculture (DA) kasama ang iba pang mga eksperto ang pagsasagawa ng inspeksyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi umano papa­yagang makapasok sa bansa ang mga planong pag-angkat ng galunggong mula China na pinangangambahang mayroong formalin.

Ito ang tiniyak ng Malacañang kasunod ng alegasyon ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na ang mga galunggong galing China ay ginamitan ng formalin bilang preservative.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hihigpitan ng gobyerno ang pagpasok at inspeksyon ng mga galunggong sa mga port areas para hindi makapasok sa bansa na pangu­ngunahan ng Department of Health (DOH) at Department of Agriculture (DA) kasama ang iba pang mga eksperto ang pagsasagawa ng inspeksyon.

Una nang nagbabala si Health Sec. Francisco Duque III sa mga consumers na iwasan ang pagkain ng galunggong na may formalin dahil mapanganib ito sa kalusugan.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GALUNGGONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with