95 pulis na sangkot sa droga, sibak sa serbisyo
MANILA, Philippines — Nasa 95 pulis ang sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga kaugnay ng puspusang anti-drug campaign ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana Jr., nasa kabuuang 3,275 na pulis na ang sinampahan ng kasong administratibo kaugnay ng kasong may kinalaman sa droga.
Ang nasabing bilang ay naitala mula Hulyo 1, 2016 hanggang Hulyo 31, 2018 kaugnay ng puspusang internal cleansing o paglilinis sa mga scalawags na sumisira sa imahe ng PNP.
Inihayag ng opisyal, 55% ng mga pulis na nadismis sa serbisyo o napatawan ng kaparusahan ay may ranggong mula PO1 hanggang PO3 na iginiit na karamihan sa mga nadawit sa droga ay nasa mababang ranggo.
Hinggil naman sa mga binansagang narco generals na tinukoy ni Pangulong Duterte, sinabi ni Durana na dalawa sa mga ito ay dinismis na sa serbisyo habang ang dalawa pa ay retirado na sa PNP.
- Latest