Mayor Sara ‘di tatakbong senador sa 2019
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na hindi siya tatakbong senador sa 2019 Election sa ginanap na signing agreement sa bago nitong binuong partido, na Hugpong ng Pagbabago (HNP) na kinabibilangan ng 9 na political leaders, na ginanap sa Blue Leaf Filipinas sa Macapagal Avenue, Parañaque City.
Kabilang sa lumagda sa alliance agreement ang Nationalista Party, National Unity Party at Nationalist People’s Coalition.
Sumama rin ang anim local political parties mula sa Bohol, Ilocos Norte, Misamis Oriental, Pampanga, Zamboanga at Quezon City.
Nasa siyam na partido ay nagsanib pwersa bilang preparasyon sa 2019 election at bawat political leaders ay nagpapasalamat kay Mayor Sara sa pagtanggap sa kanyang partidong HNP.
Hindi pa tiniyak ng HNP kung sino ang susuportahan na mga kandidato sa pagka senador sa 2019 midterm elections, ngunit meron na silang napipisil na walo na hindi muna pinangalanan.
- Latest