HVT sa listahan ni Rodrigo Duterte itinumba

Pangulong Rodrigo Duterte

MANILA, Philippines — Isang lalaki na umano ay isang high value target drug personality na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinagbabaril habang nagmo-motor ng riding in tandem criminals sa Barangay Nanguneg, Narvacan Ilocos Sur kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Chief Insp. Winnie De Vera, taga­pagsalita ng Ilocos Sur PNP ang napatay na si Abraham Cabuena, 49 ng  Barangay Cagayungan at isa sa mga natokhang noong 2016.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga habang nagmomotor ang biktima ay biglang sumulpot ang riding in tandem criminals at pagtapat sa kanya ay agad siyang pinagbabaril.

Isa ang drug trade satinitingnan na motibo ng pulisya sa krimen.

Show comments