^

Police Metro

Scalawag cops hindi na ipapatapon sa Mindanao

Joy Cantos - Pang-masa
Scalawag cops hindi na ipapatapon sa Mindanao
Ito ang nais ni Philippine National Police (PNP) Chief P/ Director General Oscar Albayalde na kapag napatunayang guilty ang nasabing mga pulis ay agad itong mapapatalsik sa serbisyo.
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Ipupursige na lang ang kasong kriminal sa mahigit 100 scalawag cops sa halip na ipatapon sa Mindanao at isabak sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan at Sulu dahil ililipat lamang sa ibang lugar ang problema.

Ito ang nais ni Philippine National Police (PNP) Chief P/ Director General Oscar Albayalde na kapag napatunayang guilty ang nasabing mga pulis ay agad itong mapapatalsik sa serbisyo.

Noong nakalipas na taon ay nasa 300 mga rogue cops ang ipinatapon sa Basilan at Sulu pawang mga balwar­teng lugar ng mga teroristang Abu Sayyaf at maging sa iba pang bahagi ng Mindanao.

“They will not be transferred because they are ­facing criminal and admi­nistrative charges.We will expedite their administrative cases and met them with appropriate punishment”, ani Albayalde na ang pinakamabigat ay ang pagsibak sa mga ito sa serbisyo.

Ang nasabing mga scalawags cops ay sangkot sa samutsaring mga illegal na aktibidades kabilang ang ilang miyembro ng Taguig City Police na nasangkot sa kidnapping for ransom kamakailan.
Sa kasalukuyan, ayon kay Durana ay nagsasagawa pa ng assesment ang binuong Committee ng PNP upang pag-aralan ang kaso ng mga umabusong pulis para sa karampatang kaparusahan na ipapataw laban sa mga ito.

Related video:

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with